^

Bansa

Namaril na Kano bibitayin - NDF

-
"Revolutionary justice!"

Ito ang iginiit ni Luis Jalandoni, pinuno ng National Democratic Front (NDF) laban sa Amerikanong sundalo na itinuturong nakabaril sa isang hinihinalang Abu Sayyaf member sa isang raid sa Basilan kamakailan.

Ibinaba ng "people’s court" ng NDF ang hatol na kamatayan sa US trooper na si Reggie Lane makaraang makumbinsi ang grupo na walang pagdududang nagkasala umano si Lane ng pamamaril sa hindi armado at walang depensang si Buyong-Buyong Isnijal sa isang raid sa safehouse nito sa Basilan.

Base sa mga detalyeng nakalap, nakumbinsi ang CPP-NDF at ng armed wing nitong New People’s Army (NPA) na nagkasala ng paglabag sa soberanya ang sundalong Kano at parusang kamatayan lamang umano ang katapat nito.

Sinabi pa ni Jalandoni na ang hatol na kamatayan ng CPP-NDF-NPA kay Lane ay isang babala sa lahat ng opisyal at miyembro ng militar ng bansa at ng Amerika sa bawat paglabag nito sa soberanya at integridad ng bansa.

Si Isnijal na miyembro ng tribu ng lakan sa Barangay Kanas, Tuburan, Basilan ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanang hita mula sa baril umano ni Lane.

Dinala si Isnijal sa custody ng 18th Infantry Battalion ng Phil. Army sa Camp Uno, Tuburan dahil sa isa umano itong miyembro ng Abu Sayyaf. Pero iginigiit ng maybahay ni Isnijal na si Jurida na binaril ng walang kalaban-laban at walang anumang probokasyon ni Lane ang kaniyang asawa.

Nabatid ang pagkakakilanlan ng sundalong Amerikano na tinangkang itago ang pangalan sa media sa pamamagitan ng isang human rights group na Karapatan na nauna ng nakausap ang isang Dr. Julius Aguila na siyang gumamot kay Isnijal sa Lamitan District Hospital.

Ibinunyag ni Aguila kina Bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Liza Maza, Caloocan City Councilor Nathaniel Santiago at iba pang miyembro ng anti-Balikatan group at International Solidarity Mission na maliban kay Lane mayroon pang dalawang sundalong Kano at 15 sundalong Pinoy na nagdala kay Isnijal sa pagamutan.

Binanggit pa ng grupong nagdidiin kay Lane na ito ay nakasuot ng fatigue bandana na higit pang nagpatibay sa naunang testimonya ng asawa ni Isnijal nang ilarawan niya ang suot ng Amerikanong sundalo na namaril sa kanyang asawa. (Ulat ni Benjie Villa)

ABU SAYYAF

AMERIKANONG

BARANGAY KANAS

BASILAN

BAYAN MUNA REPS

BENJIE VILLA

BUYONG-BUYONG ISNIJAL

CALOOCAN CITY COUNCILOR NATHANIEL SANTIAGO

CAMP UNO

ISNIJAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with