^

Bansa

IBP pabor na tanggalan ng maskara ang mga 'hoodlums in robes at barongs'

-
Kinatigan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang hakbangin ng Department of Justice (DOJ) na kilalanin ang mga umano’y "hoodlums in robes at barongs".

Sa isang panayam sa grupo ng mga manananggol sa pangunguna ni Atty. Jose P. Icaonapo Jr., dating governor ng IBP-Greater Manila Region na ginanap sa Ninoy Aquino International Airport, nabatid na inihahanda na ang pormal na pakikipag-ugnayan sa pagitan nina DOJ Undersecretary Jose Calida at IBP President Teofilo Pilando.

Sinabi ni Icaonapo, pabor sila sa nasabing hakbangin ng DOJ para sa kapakanan ng hudikatura ng bansa bagamat ito ay isang "recycle issue" na hanggang ngayon ay nananatiling "uncorroborated".

Ang hakbanging ito ng DOJ ay nag-ugat sa naging pahayag kamakailan ni US Ambassador to the Philippines Francis Ricciardone nang tuligsain nito ang talamak na katiwalian sa hudikatura at law enforcers unit na sanhi para umano hindi umangat ang ekonomiya ng bansa.

Hiniling naman ni Undersecretary Calida sa IBP na kumbinsihin ang kanilang mga abogado, maging ang publiko na makipagtulungan sa kanila upang maging matagumpay ang kanilang isasagawang paglilinis sa hanay ng hudikatura na nabiktima ng mga tiwaling justices, judges at prosecutors sa pamamagitan ng paghaharap ng reklamo sa DOJ Action Center.

Ituturing na confidential ang anumang sumbong upang tiyakin ang kaligtasan ng mga biktima. (Ulat ni Butch Quejada)

ACTION CENTER

BUTCH QUEJADA

DEPARTMENT OF JUSTICE

GREATER MANILA REGION

ICAONAPO JR.

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JOSE P

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINES FRANCIS RICCIARDONE

PRESIDENT TEOFILO PILANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with