3 Pinoy patay sa bagyo sa Japan
July 27, 2002 | 12:00am
Tatlong tripulanteng Filipino ang nasawi matapos na lumubog ang kanilang sinasakyang lifeboat habang kasagsagan ng bagyo sa Japan kamakalawa.
Sa ulat ng Department of Foreign Affairs, kinilala ang mga biktimang sina Anatalio Andino, Nestor dela Peña at Estavas del Mundo Jr.
Ang mga labi ng mga Pinoy seamen ay kasalukuyang nakalagak sa isang punerarya sa Japan.
Sa report, lulan ang mga biktima kasama ang 16 pang crew sa isang barkong M/V Tomorokoshi. Kasagsagan noon ng typhoon no.9 sa Western Japan at dahil sa hagupit at malakas na hampas ng alon ay napilitan ang mga tripulante na lumikas at lumipat sa isang lifeboat. Subalit hindi nakayanan ng lifeboat ang sama ng panahon hanggang sa lumubog ito.
Inihahanda na ang pagpapauwi sa bansa ng mga labi ng mga biktima. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest