GMA na 'wow mali' kay Marohombsar
July 27, 2002 | 12:00am
Nabiktima na naman si Pangulong Arroyo ng maling impormasyon matapos ipagmalaki na hawak ng mga awtoridad ang lider ng Pentagon kidnap-for-ransom group na si Faisal Marohombsar ay napilitan siyang bawiin ang pahayag.
Nabatid na tumanggap ng impormasyon ang Pangulo na sumuko na si Marohombsar kay Presidential Adviser on Special Concerns Norberto Gonzales kaya sa talumpati ng Pangulo kahapon sa Sarangani matapos pangunahan ang pagsunog sa 20,000 marijuana leaves ay naisingit nito ang pag-aanunsiyo ng pagsuko ni Marohombsar.
Subalit matapos ang pahayag ng Pangulo ay nakapanayam si Marohombsar sa radio station DZMM at sinabing wala pa siya sa pangangalaga ng mga awtoridad.
Nagulat din si Marohombsar dahil ang alam umano niya ay iniimbitahan siya para makipagkita sa Pangulo.
Gayunman, tuloy ang negosasyon sa pagsuko ng nasabing Pentagon lider. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am