^

Bansa

OWWA chief pinagbibitiw ni GMA kundi titigil sa karereklamo

-
Pinagsabihan kahapon ni Pangulong Arroyo si OWWA Administrator Wilhelm Soriano na huminto na ng kababatikos at karereklamo kaugnay ng sigalot nila ni Labor Secretary Patricia Sto. Tomas at kung hindi mananahimik sa isyu ay puwede na siyang mamaalam sa puwesto.

Sina Soriano at Sto. Tomas ay nagkaroon ng sigalot nang kuwestiyunin ng Labor secretary ang pagkakagamit ng pondo ng OWWA sa pagpapatayo ng murang pabahay sa Smokey Mountain.

Sinabi ni Sto. Tomas na naipalabas ang pondo nang walang pahintulot ang OWWA Board na pinamumunuan ng Labor secretary.

Subalit sinabi ni Soriano na wala namang iregularidad sa paggamit ng pondo dahil ang pabahay ay para rin sa mga Pilipinong manggagawa na siyang may kontribusyon sa OWWA fund.

Si Soriano ang pangalawang opisyal ng gobyerno na napagsabihan ng Pangulo na magbitiw na sa puwesto kung hindi titigil ng pag-iingay na nakapagbibigay ng masamang impresyon na hindi nagkakaisa ang mga opisyal ng administrasyon.

Ang una ay si Pastor Boy Saycon na director ng PDIC dahil naman sa pag-iingay nito sa planong pagtatalaga sa puwesto sa mga kapanalig ni dating Pangulong Estrada. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ADMINISTRATOR WILHELM SORIANO

LABOR SECRETARY PATRICIA STO

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ESTRADA

PASTOR BOY SAYCON

SI SORIANO

SINA SORIANO

SMOKEY MOUNTAIN

TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with