^

Bansa

Strunk, Medel kinasuhan na

-
Matapos ang walong buwan ng imbestigasyon, nakasilip na rin ng hustisya ang beteranang aktres na si Nida Blanca makaraang pormal na sampahan kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga principal suspek na sina Rod Lauren Strunk, Philip Medel at anim pa sa Department of Justice (DOJ).

Batay sa 10-pahinang complaint affidavit ng NBI sa DOJ, kinasuhan ng parricide si Strunk dahil sa pagiging utak umano sa pagpatay sa kanyang maybahay habang sina Medel, dalawang John Doe at isang Jane Doe ay kinasuhan naman ng murder.

Bukod kay Strunk at Medel, kinasuhan rin ng obstruction of justice ang mga security guard ng Isabela Security Agency na naka-duty sa Atlanta building na siyang lugar ng krimen na kinilalang sina Roberto Canete, Ricky Alvarez at Diolito Molines dahil sa umano’y pagtatakip ng mga ito sa kanilang nalalaman sa krimen.

Ang pag-aalis umano ng mana ni Blanca kay Strunk ang naging dahilan para patayin nito ang kanyang asawa at mas pinaboran nito ang kanyang anak na si Kaye Torres sa kanyang mga ari-arian.

Si Medel ang sinasabing napag-utusan ni Strunk para patayin ang aktres kasama ang tatlong iba pa.

Nabatid na isinulong ang kaso batay pa rin sa mga circumstantial evidence na nakalap ng NBI at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nag-uugnay at nagpapatunay na responsable sina Strunk, Medel at anim pang suspek.

Tulad na lamang ng payong na nakuha sa loob ng kotse ng aktres na sinasabing kadalasang nakalagay sa Nissan Vanette ni Strunk.

Ayon kay NBI Director Reynaldo Wycoco, nakunan nila ng finger prints ang payong na tumugma naman sa finger prints ng ilang suspek.

Kahina-hinala rin aniya na si Strunk ay nasa parking area ng Atlanta building ng araw na pinaslang ang asawa nitong aktres.

Tiniyak pa ng NBI na si Medel ang siyang sumaksak kay Blanca gamit ang swiss knife. Hawak rin ng NBI ang resibo na bumili si Medel ng swiss knife tatlong araw bago naganap ang krimen.

Matatandaan na si Medel ay minsan nang inaresto ng mga tauhan ng PNP-CIDG matapos nitong aminin na siya ang pumatay kay Blanca sa utos umano ni Strunk.

Subalit bigla itong bumaligtad ng humarap sa preliminary investigation sa DOJ at sinabing dinukot siya at tinorture ng mga tauhan ni PNP-CIDG chief Nestorio Gualberto kaya napilitan siyang aminin ang krimen.

Pero ayon kay Wycoco, kahit binawi ni Medel ang una niyang testimonya ay maaari pa rin itong gamin bilang basehan sa pagsasampa ng kaso dahil ang retraction ni Medel ay ginawa sa publiko at hindi under oath.

Si Medel ay kasalukuyang nakakulong sa NBI detention cell matapos arestuhin sa Cebu kamakalawa dahil naman sa kasong libelo na isinampa sa kanya ni PNP-CIDG spokesman Leonardo Espina.

Kaugnay nito, hihilingin ng NBI sa DOJ na makipag-ugnayan ito sa US upang maisailalim sa extradition si Strunk upang mapabalik sa bansa at harapin ang kaso laban sa kanya.

Nakatakda din ipasailalim ng DOJ ang mga pangalan ng mga suspek sa watchlist ng Bureau of Immigration (BI) upang hindi makalabas ng bansa ang mga ito at matakasan ang prosecution.

Bumuo na rin ang DOJ ng bagong lupon ng mga fiscal na siyang hahawak sa preliminary investigation sa kaso.

Binigyan ni DOJ Chief State prosecutor Jovencio Zuno ng 60 araw ang naturang panel para tapusin nito ang imbestigasyon sa Nida Blanca slay case.

Si Blanca ay ay natagpuang patay nong Nob. 6, 2001 sa loob ng kanyang nakaparadang kotse sa Atlanta towers sa San Juan matapos manggaling sa kanyang tanggapan sa MTRCB.(Ulat nina Gemma Amargo/Grace Amargo)

BUREAU OF IMMIGRATION

CHIEF STATE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

MEDEL

NBI

NIDA BLANCA

SI MEDEL

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with