^

Bansa

UK nangangailangan ng Pinoy nurses

-
Kahit na mayroong kasalukuyang bilang na 15,000 Pinoy nurses ang nagtatrabaho sa United Kingdom, ito umano ay kulang pa at nangangailangan ang nasabing bansa ng karagdagang nurses.

Ito ang naging pahayag sa isang pulong balitaan ni British Ambassador to the Philippines Paul Dimond.

Binanggit pa ni Dimond na noong nakaraang taon na karamihan sa inisyu na visa ng British government ay mga nurses.

Sa dami na umano ng Overseas Filipino Workers (OFW) ang nagtatrabaho sa UK partikular ang mga nurses, patuloy ang British government na tumanggap ng mga nurses na magtatrabaho sa kanilang bansa.

Ayon pa kay Dimond na kulang sa health care workers maging sa pribado o publikong tanggapan ang kanilang bansa kaya’t nangangailangan pa sila ng marami at bilib umano sila sa kakayahan at galing ng Pinoy nurses. (Ulat ni Leo Solinap)

AYON

BINANGGIT

BRITISH AMBASSADOR

DIMOND

LEO SOLINAP

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PHILIPPINES PAUL DIMOND

PINOY

UNITED KINGDOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with