Hirit ng nurses sa Congress: Ediborah gawing national hero
June 15, 2002 | 12:00am
Isusulong ng pinakamalaking organisasyon ng mga Pinay nurse sa bansa na gawing pambansang bayani ang napaslang na Abu Sayyaf hostage na si Ediborah Yap bilang pagdakila sa ipinamalas nitong kabayanihan at pagtupad sa tungkulin bilang nurse habang nasa kamay ng mga bandido.
Sinabi ng Philippine Nurses Association of the Philippines (PNAP) na hinahanda na ng kanilang executive board ang kanilang kahilingan sa Kongreso na pagtibayin si Ediborah Yap bilang makabagong Florence Nightingale, patron saint ng mga nurses at national hero ng bagong milenyo.
Ipinahayag ng PNAP na hindi lamang basta maitutulad si Ediborah kay Florence at gayundin kay Tandang Sora na siyang tumayong nurse ng mga Katipunero noong panahon ng Kastila.
Sinasaad sa draft ng panukala na humihingi ang bansa ngayon ng bagong bayani na kakatawan sa adhikain ng tunay na nurse na hindi alintana ang digmaan o anumang panganib na nakaamba at pinairal ang kahalagahan ng propesyon bilang isang lingkurang nurse na handang tumulong sa mga may sakit maging ito man ay panahon ng digmaan.
Ayon sa PNAP, nahigitan pa ni Ediborah ang ginawa ni Tandang Sora dahil na rin sa pati mga bandidong bumihag sa kanya ay pinagkalooban niya ng hindi mapasusubaliang tulong bilang nurse.
Umaasa ang PNAP na hindi mabibigo ang kanilang kahilingan na ideklara si Ediborah bilang national hero o makabagong Tandang Sora.
Samantala, kahapon ay inilibing na si Ediborah sa Lamitan, Basilan.
Bilang parangal sa kanyang kabayanihan at dahil sa pagkalinga sa mga Burnham, mismong mga sundalong Amerikano ang nagbuhat ng kanyang ataul.
Ayon sa mga sundalong Kano, tama lamang na itoy kanilang suklian dahil sa ipinakita ni Ediborah sa kapwa bihag na sina Martin at Gracia. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest