^

Bansa

Selebrasyon ng Historical events sa bansa babawasan na

-
Upang matutukan umano ng husto ang kanilang responsibilidad sa pagtuturo, binawasan na ng Department of Education (DepEd) ang selebrasyon ng ilang makasaysayang petsa.

Sa ipinalabas na DepEd Order no. 20, inatasan ni Secretary Raul Roco ang lahat ng kanyang mga regional directors, superintendents at principal na ipatupad ang pagtututok ng husto ng mga guro sa pagtuturo lamang sa mga mag-aaral lalo na’t tinutuligsa ng ilang sektor ang ipapatupad na Revised Basic Education Curriculum (RBEC).

Nakapaloob dito na wala nang magaganap na mga parada o programa na makasasagabal sa oras ng klase ng mga mag-aaral at sa halip ay ituturo na lamang ang kahalagahan ng ipagdiriwang na historical event sa silid-aralan.

Kabilang dito ang mga pagdiriwang ng United Nations Day, Arbor Day, School Nutrition Month, Environment Month, AIDS Awareness Day, Field Day at iba pa.

Babawasan na rin ang pagkakaroon ng iba’t ibang mga kontes sa mga paaralan na walang malaking kaugnayan sa pag-asenso ng mga mag-aaral. Gaganapin lamang umano ang ilang mga co-curricular na mga aktibidades tulad ng mga miting ng mga school clubs, Boy Scout at Girl Scout meets, sports competition kapag tapos na ang klase at tuwing Sabado at Linggo lamang.

Ilalagay naman ang mga schedule para sa mga symposium, seminars at conferences ng mga guro tuwing summer lamang habang magbibigay naman ng mga make-up classes upang mapunan ang mga araw na masasayang sa pagbibigay ng pagdiriwang tulad ng mga fiesta, holidays at pagdating ng mga bagyo. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARBOR DAY

AWARENESS DAY

BOY SCOUT

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

ENVIRONMENT MONTH

FIELD DAY

GIRL SCOUT

REVISED BASIC EDUCATION CURRICULUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with