Subpoena ng Senado kay FVR ayaw pirmahan ni Drilon
June 10, 2002 | 12:00am
May napipintong panibagong awayan na naman ang grupo ng administrasyon at oposisyon sa Senado kaugnay sa nakatakdang pagpapatawag kay dating pangulong Ramos para magpaliwanag sa usapin ng independent power producers (IPPs).
Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na hindi niya pipirmahan ang nais ni Senator John Osmeña na pagpapadala ng subpoena kay dating presidente Ramos para padaluhin ito sa nakatakdang pagdinig ng Senate committee on energy sa darating na Hunyo 20.
Hindi kinikilala ni Sen. Drilon ang ginawang reorganisasyon ng oposisyon sa Senado noong Hunyo 3 kung saan nagluklok ang mga ito ng bagong opisyal at itinalaga sina Sen. Blas Ople bilang Senate president pro-tempore at dating minority leader Aquilino Pimentel Jr. bilang bagong majority leader ng tinagurian ng oposisyon na bagong majority ng Senado.
Nakahanda naman si Ople na lumagda sa ipadadalang subpoena kay Ramos sakaling tumanggi si Drilon bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng Senado. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest