Pangmatagalan tulong sa mga anak ni Ediborah siniguro ni GMA
June 10, 2002 | 12:00am
Pangmatagalang tulong ang ipinangako ni Pangulong Arroyo sa mga anak ng napatay na nurse na si Ediborah Yap ng magsadya sila sa Malacañang kahapon.
Sinamahan sa Pangulo ni Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman ang mga anak ni Ediborah na sina Anthony, 20; Jonathan, 24; Lawrence, 7. Hindi sumama ang nag-iisang babaeng anak na si Mary Ann, 16.
Sinabi ng Pangulo na si Ediborah ay napatay habang gumaganap sa serbisyo dahil kahit na bihag siya ng grupong bandido, bilang nurse ay tumutulong ito sa panggagamot sa mga bihag na sina Martin at Gracia Burnham at ng mga sugatang ASG.
Nais ipahiwatig ng Pangulo na maaaring may tanggaping pensiyon si Ediborah mula sa ospital na kanyang pinaglilingkuran bago siya napatay.
Si Ediborah ay nakatakdang ilibing sa darating na Miyerkules.
Mula sa Palasyo, ang mga anak ni Ediborah ay dinala sa ospital na kinaroroonan naman ni Gracia.
Nabatid na ipinatawag ni Gracia ang mga bata para personal niyang makilala ang mga ito. Nais umano ni Gracia na bago siya umalis pabalik ng US ay makausap ang mga anak ni Ediborah.
Tinanggap rin ng mahinahon ni Gracia ang pagkamatay ng kanyang asawang si Martin at nagpasalamat sa mga sundalong nagsikap para sila ay masaklolohan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest