^

Bansa

Singil sa kuryente handang ibaba ng Meralco ng 60 sentimos

-
Nakahanda ang Meralco na ibaba ng 60 sentimo ang kanilang singil per killowatt hour ng kuryente kapag pinayagan sila ng Napocor na bumili sa mga independent power producers (IPPs).

Ayon kay Rafael Andrada, vice president at treasurer ng Meralco, ang 60 sentimo rate reduction na ito ay bukod sa 85-centavo na PPA cutdown na inutos ni Pangulong Arroyo sa Napocor.

Ipinabatid ng Meralco sa Senate committee on energy kamakailan na nais na nitong kanselahin ang 10-taong power purchase agreement (PPA) sa Napocor at bumili na lamang ng elektrisidad sa mga IPPs.

Sinabi ni Andrada sa komite na 90 porsiyento ng kuryente nito ay binibili ng Meralco sa Napocor noong taong 2001 habang 10% lamang ng elektrisidad nito ang nagmumula sa dalawang IPPs na Quezon Power Limited at First Gas Power Corp.

Aniya,, bumibili sila ng elektrisidad sa Quezon Power sa halagang P3.30/kwh at P3.80/kwh sa First Gas kumpara sa binibili nila sa Napocor na P4.40/kwh.

Idinagdag pa nito na sa kabila na ang Meralco ang pinakamalaking customer ng Napocor ay wala itong nakukuhang discount bagkus ay subsidized pa nito ng 40 sentimo/kwh ang mga electric consumers sa labas ng kanilang franchise area sa buong bansa. (Ulat ni Rudy Andal)

ANDRADA

FIRST GAS

FIRST GAS POWER CORP

MERALCO

NAPOCOR

PANGULONG ARROYO

QUEZON POWER

QUEZON POWER LIMITED

RAFAEL ANDRADA

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with