Ito ang nakapaloob sa panukalang batas ni Senate President Pro-Tempore Manny Villar kung saan ay oobligahin ang mga pagamutang pribado o pampubliko na bigyan ng libreng medical o dental treatment ang mga maralitang kabataan.
"Hindi dapat pagkaitan ng maayos na atensyon ang isang batang pasyente dahil sa siyay mahirap lang" wika ni Villar.
Idinagdag pa nito na kabilang sa mga institusyong sakop ng panukala ay ang mga ospital,klinika,health centers at iba pang katulad na establisimiyento.
Ang makikinabang sa nasabing panukalang batas ay ang mga batang nasa edad 18 pababa na napabayaan ng kanilang mga magulang.
Nakapaloob pa sa panukala, na ang mga pagamutan na magbibigay ng libreng medikal o dental na serbisyo sa nasabing mahirap na kabataan ay bibigyan naman ng tax deduction sa loob ng 5 taon kaugnay sa kanilang nagastos sa pasyente. (Ulat ni Rudy Andal)