GMA tutungo ng Malaysia
May 6, 2002 | 12:00am
Nakatakdang umalis bukas ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo patungong Malaysia at Thailand para dumalo sa Pacific Basin Economic Council Meeting at aktibong isusulong ang mga inisyatibong pangkabuhayan.
Unang bibisitahin ng Pangulong Arroyo ang Kuala Lumpur para magtalumpati sa PBEC Meeting at makipagpulong kay Malaysian Prime Minister Mhathir Mohamad sa mga isyung may kinalaman sa dalawang bansa.
Ang pulong ng PBEC ay dadaluhan ng 700 mga lider ng negosyo, pinunong ministro at mga presidente ng mahigit sa 25 mga bansa sa Asya at Pasipiko kabilang na ang Amerika, Japan at China.
Ang pulong na ito ay tatalakay sa mga pagkakataong pangkalakal at isyung may kinalaman sa kalakalan na kinakaharap ng rehiyong Asya at Pasipiko.
Ang pulong naman nina Pangulong Arroyo at Malaysian Prime Minister Mahathir ay isang pagpapatuloy lamang ng kanilang ginanap na pulong noong Agosto nang nakaraang taon na may kinalaman sa mga isinusulong na kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.
Sasaksihan din ng dalawang lider ang paglagda sa isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia hinggil sa border patrol para ibayong mapasigla ang kampanya laban sa terorismo.
Inaasahang tatalakayin din ng Pangulo ang kapakanan ng mga Pilipinong naninirahan sa Sabah.
Ang Pangulo ay magtutuloy sa Bangkok, Thailand sa Miyerkules para ganyakin ang mga kompanyang Thai na makipagsosyo sa lokal na kompanya.
Ang Pangulo ay nakatakda ring tumanggap ng honorary degree sa Chulalongcorn University at magbigay galang sa Hari ng Thailand King Bhumibol Adujadej bago umuwi sa bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am