10 oras brownout araw-araw nakaamba kapag sinuspine ang PPA
May 4, 2002 | 12:00am
Sampung oras na brownout araw-araw ang nakatakdang maranasan ng bansa kapag inaprubahan ang pagsususpinde ng Power Purchase Adjustment (PPA) collection, pahayag kahapon ng National Power Corporation (Napocor).
Sinabi ni Ed Orencia, manager ng tariff division ng Napocor, ang proposed suspension ng PPA collections ay hindi maaaring isagawa dahil maaapektuhan ang suplay ng kuryente sa dahilang ilang bahagi ng PPA ay ginagamit pambayad ng mga utang ng Napocor sa Independent Power Producers (IPPs).
Singkuwenta (50) porsiyento ng power supply sa bansa ay nanggagaling sa IPPs.
"The PPA collection could not be suspended unless there is an alternative source of payment for the IPPs because if Napocor would not be able to pay the IPPs, 50 percent of the power supply could no longer be provided. If so, a massive and longer brownout is highly possible," pagbibigay linaw ni Orencia.
Kada buwan, ang Napocor ay nagbabayad nang mahigit P4 million sa IPPs. Sa kasalukuyan, may 35 IPPs ang pinapanatili ng Napocor matapos i-terminate ang mga serbisyo ng walong iba pa.
Idinagdag ni Orencia na maaaring idemanda ng IPPs ang gobyerno dahil sa breach of contract kapag sinuspinde ang collection ng PPA.
Isinusulong ni Sen. Blas Ople ang isang joint congressional resolution sa Senado at Kamara upang hilingin na suspindihin ang pagpapatupad ng PPA na naging dahilan upang tumaas ang binabayaran sa kuryente ng mga consumers nito.
Aniya, matapos mabigo ang binuong komite ng Palasyo upang repasuhin ang PPA ay dapat lamang makialam na dito ang Kongreso dahil naghuhumiyaw na sa galit ang taumbayan dahil sa sobrang taas ng binabayaran nila sa kuryente bunga ng ipinapataw na PPA.
Base sa ulat, plano umano ng Malacañang na ipasa sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (Psalm) ang bayarin sa PPA ngunit sa panukalang ito ipinagpapaliban lamang umano ang pagbabayad ng taumbayan sa PPA dahil sa bandang huli ay sila rin ang magbabayad nito.
Hinimok naman ni Sen. Tessie Aquino-Oreta si Pangulong Arroyo na kalampagin si Finance Secretary Jose Isidro Camacho upang bilisan na ang pagrepaso sa 43 kontrata ng gobyerno sa IPPs upang maalis ang mga di makatarungan probisyon dito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest