Burnhams pupugutan na namin! - Sabaya
May 2, 2002 | 12:00am
Matapos ibasura ng pamahalaan ang huling hirit na negosasyon para sa pagpapalaya sa mga bihag, nagbanta kahapon si Abu Sayyaf Group (ASG) spokesman Aldam Tilao alyas Abu Sabaya na pupugutan na nila ng ulo sina American couple Martin at Gracia Burnham na mahigit 11 buwan na nilang bihag sa lalawigan ng Basilan.
Sa isang radio interview ng DXRZ Radyo Agong ng Radyo Mindanao Network (RMN), sinabi ni Sabaya na tototohanin nila ang kanilang banta kung patuloy na magmamatigas ang gobyerno na papasukin sa iniaalok nilang huling negosasyon ang hinihiling nilang mga negosyador.
"This is Sabaya, I just want to make official announcement - we have read the decision of the Philippine government that it does not want to negotiate with the group. Today, it is almost one year now, so the door is close for negotiation," sabi ni Sabaya.
Sa demand ni Sabaya, gusto nitong makipagnegosasyon sa kanilang grupo sina ARMM Gov. Farouk Hussin, Presl Adviser Norberto Gonzales at ex-Malaysian Senator Sarin Karno.
"Sa amin tapos na, wala nang negotiation, tinatanggap na namin ang hamon ng Philippine government," matigas na pahayag ni Sabaya.
Matutulad umano ang Burnham couple sa naging kapalaran ni Peruvian American hostage Guillermo Sobero na pinugutan nila ng ulo at inilibing makaraang mapundi na umano ang kanilang grupo at tuluyang mainip na mapagbigyan ang kanilang kahilingan.
Sinabi rin ng bandidong lider na hindi na rin nila papayagang magsalita pa sa radyo ang mag-asawang Burnham para umapela dahil isinara na nila ang pintuan para sa anumang negosasyon sa pagpapalaya sa mga bihag.
Ayon pa kay Sabaya, walang maibigay ang pamahalaan sa hinihingi nilang US$3 million ransom pero bilyun-bilyong piso umano ang ginagastos para habulin sila.
Bahala na anya ang gobyerno kung gusto pa nitong makita ang bangkay ng kanilang mga bihag bilang sagot sa pagbasura sa kanilang "last deal."
"Depende, kung sa tingin namin medyo tagilid ang laban baka siguro i-goodbye na lang ang dalawang (Burnham) ito. So ayaw na namin ng negotiation," dagdag ni Sabaya ng tanungin kung ang warning ay nangangahulugan ng execution ng mga hostages.
Bilang reaksiyon, sinabi naman ni AFP Southcom Chief Lt. Gen. Roy Cimatu na walang dahilan para ihinto nila ang operasyon laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa kabila ng pagbabantang papatayin ang mag-asawang hostage.
"Theres no reason to believe what he (caller) has been saying unless he can establish his real identity," ani Cimatu na nagsabing posibleng propaganda lamang ang pananakot ni Sabaya upang makatakas sa tumutugis na puwersa ng military.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest