Equitable-PCIBank officials sinuhulan para idiin si Erap?
April 30, 2002 | 12:00am
Sinuhulan umano ng matataas na opisyal ng Equitable-PCIBank ang mga opisyal at kawani nito upang tumestigo sa impeachment trial at idiin si dating Pangulong Estrada.
Ito ang mariing buwelta kahapon nina Attorneys Mario Crescini at Noel Malaya, counsel de offico ng mga Estrada sa pagpapatuloy ng umiinit na balitaktakan sa pagdinig kahapon ng Sandiganbayan Special Division sa kasong plunder ni Estrada.
Ayon kina Crescini at Malaya, natuklasan nila ito sa iprinisinta ni Equitable-PCIBank first vice president at legal services division chief Manuel Curato na isang resolusyon na ipinalabas ng Board of Directors ng bangko noong Dis. 19, 2000 na humihikayat sa mga opisyal at kawani nito na tumestigo laban sa nakapiit na dating pangulo. Nakasaad sa naturang resolusyon ang pangakong magbibigay ng tulong na legal at pananalapi sa sinumang opisyal o kawani ng bangko na tetestigo laban kay Estrada.
Ang naturang pangako ay muling inulit sa sumunod na resolusyon na may petsang Pebrero 20, 2001 kung saan idinagdag ng bangko na ang tulong nito ay maaaring magpatuloy kahit matapos na ang impeachment trial o kahit wala na ang mga ito sa bangko.
Kaugnay nito, sinabi ng court-appointed lawyer ni Estrada na si Prospero Crescini na malinaw na lumilitaw na tahasang nilabag ng Equitable-PCIBank ang Bank Secrecy Law para lamang idiin si Estrada nang ipalabas nito ang mga dokumentong may kinalaman sa kontrobersiyal na Jose Velarde account kahit na hindi ito hinihingi ng prosekusyon.
Ayon naman kay Partido ng Masang Pilipino spokesman Jesus Crispin Remulla, malinaw na panunuhol ang ginawa ng Equitable-PCIBank sa mga ipinangako nitong suporta. "Sa ganitong klaseng mga tulong na inialok malinaw na ang pagtestigo nina Curato at Ocampo ay hindi para sabihin ang katotohanan kundi sumunod sa kagustuhan ng kanilang mga amo na maibagsak si Estrada mula sa pagka-pangulo," ayon kay Remulla. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am