Kakampi ko si Lord - GMA
April 30, 2002 | 12:00am
Malakas ang pananalig ni Pangulong Arroyo na hindi siya pababayaan ng Panginoong Maykapal sa kabila ng kabi-kabilang mga problemang kinakaharap ng kanyang administrasyon dahil kakampi niya Ito.
Sa kanyang lingguhang panayam sa radyo, sinabi ng Pangulo na naniniwala siyang sadyang pinlano para sa kanya ang paghawak ng panunungkulan sa Malacañang.
Ang pahayag ay ginawa ng Presidente sa tanong na kung nagsisisi siya sa mabilis na pagkakapasok sa Malacañang sa gitna ng maraming kontrobersiya at problemang inaabot ngayon ng kanyang administrasyon.
"Even the timing, the Lords timing is perfect at basta ikaw ay sumusunod sa kanyang utos, pati timing na ginagawa niya ay tinatanggap iyon," wika niya.
At dahil nga kakampi umano niya ang Diyos, hindi anya magtatagumpay ang sinumang nagbabalak na guluhin o kayay ibagsak ang gobyerno.
Sa pagtatalumpati sa Metro Manila Regional Congress ng Barangay Peace and Order Committee, sinabi ng Pangulo na ngayong organisado na ang mga barangay sa Metro Manila hindi na makalulusot pa ang sinumang grupo na manggugulo sa pamahalaang Arroyo.
Ang pahayag ay makaraang matanggap ng Pangulo ang isinumiteng Barangay Public Safety Plan ng mahigit 1,600 mga barangay sa Metro Manila.
Ayon sa Pangulo, ang mga barangay peace and order committee ang magsisilbing first line of defense kaya makakaasa ang publiko sa katatagan ng ating bansa.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang pagiging organisado ng mga barangay sa kamaynilaan dahil makatutulong ang mga ito hindi lang sa pagpapanatili ng peace and order kung hindi sa pagpasok ng mas maraming negosyo na magbibigay ng mas maraming trabaho sa mga manggagawa. (Ulat nina Lilia Tolentino at Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended