FVR inabsuwelto ng Malacañang sa junta
April 28, 2002 | 12:00am
Agad inabsuwelto ng Malacañang si dating Pangulong Ramos na pinagdududahang nasa likod ng panibagong destabilisasyon sa Arroyo administration sa pamamagitan ng civilian-military junta.
Sinabi ni acting Press Secretary Silvestre Afable na nananatili ang tiwala at respeto ng Palasyo kay Ramos.
Ayon kay Afable, hindi nangangahulugang kung anuman ang gawin ng kanyang mga malalapit na tauhan ay may basbas na ito ng dating pangulo.
Madalas na paghinalaan si Ramos dahil sangkot lagi ang mga dati nitong opisyal tulad ni ex-Budget Secretary Salvador Enriquez ng Peoples Consultative Assembly (PCA) na bumabanat sa gobyernong Arroyo kaugnay ng umanoy katiwalian. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest