Panukala sa kongreso na lisensiya muna bago drug test tinutulan
April 27, 2002 | 12:00am
Mariing tinutulan ng Land Transportation Office (LTO) ang panukala ni Congressman Antonio Cuenco na ilabas muna ang drivers license ng mga aplikante bago isailalim sa drug test ang mga motoristang magre-renew ng kanilang mga lisensiya.
Binigyang diin ni LTO Chief Roberto Lastimoso na hindi magandang unahin ang pagre-release ng LTO sa lisensiya ng mga aplikante bago doon lang ito pakukuhanin ng drug test dahil sa posibleng magdulot ito ng epekto sa kampanya ng pamahalaang Arroyo laban sa ipinagbabawal na gamot.
Sinabi ni Lastimoso na mas magandang kumuha muna ng drug test ang mga driver upang malaman at matiyak na karapat-dapat itong magmaneho.
Samantala sinabi naman ng DrugCheck Philippines Inc. ang kinikilalang pinakamahusay at pinakamalaking drug testing company na mahigit nang 2,000 motorista ang napatunayang positibo sa droga simula ng ilunsad ang mandatory drug testing program ng pamahalaan.
Sinabi ni John Catindig, general manager ng DrugCheck Philippines Inc., ang datos na ito ay mahalaga sapagkat nakikita ang kaseryosohan ng pamahalaan na pangalagaan ang kaligtasan ng publiko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended