Ayon kay Oreta, kinakailangang magsagawa ng sariling pananaliksik ang DOH upang malaman kung may katotohanan ang naging pag-aaral sa Stockholm, Sweden na nagdudulot umano ng sakit na kanser ang pagkain ng bigas at hinikayat din ang Department of Agriculture na makipag-ugnayan sa DOH.
Ayon sa pag-aaral ng Stockholm, ang bigas, tinapay at patatas ay nagtataglay ng acrylamide, isang pinaghihinalaang carcinogen o sangkap na pinagmumulan ng nakamamatay na sakit na kanser.
Ang acrylamide ay isang colorless,crystalline solid na isinama ng United States Environmental Protection Agency sa klasipikasyon ng kanser.
Sa iba pang pag-aaral, lumalabas na ang acrylamide ay nagdudulot ng gene mutations na nagiging sanhi ng benign at malignant tumors sa mga hayop at sumisira din sa central at peripheral nervous system. (Ulat ni Rudy Andal)