Hepe ng witness protection pinasisibak
April 24, 2002 | 12:00am
Hiniling kahapon ng Volunteer Against Crime and Corruption na sibakin sa tungkulin bilang director ng Witness Protection Program (WPP) si Senior State Prosecutor Leo Dacera kaugnay sa umanoy pagtatakip nito sa mga katiwaliang nagaganap sa loob ng nasabing programa ng Department of Justice (DOJ).
Ayon sa VACC naging bias ang naging pagtrato ni Dacera sa lumutang na umanoy biktima ng rape na itinago sa pangalang Evangeline ng isa sa mga security personnel ng WPP na si Jerry Lintan.
Anila, hindi naging tama ang aksyon nito sa halip na asikasuhin ang pagsulong ng kaso ay pinayuhan pa itong huwag na lamang ituloy ang reklamo dahil posibleng maging si Evangeline ay madedemanda ng adultery ng asawa nito.
Bukod dito ay hiniing din ng VACC kay Justice Sec. Hernando Perez na magsagawa ng full accounting sa lahat ng mga reklamo ng mga testigo sa ilalim ng WPP dahil ang kaso ni Evangeline ay isa lamang sa marami pang pang-aabuso ng mga security personnel sa naturang programa.
Idinagdag pa ng VACC, na kailangan na imbestigahan ang pondo ng WPP dahil na rin sa mga reklamong delay sa pagbibigay ng mga monthly allowance ng mga testigo.
Kaugnay nito, isa pang witness sa katauhan ni PO1 Jonathan Morales ang lumutang na nagsabing laganap ang mga pambabastos ng mga security personnel sa mga babaeng testigong nasa safehouse ng WPP.
Ayon naman kay Dacera na hindi totoong hindi niya pinansin ang reklamong inihain ng biktima. Nilinaw nitong hinikayat niya ang biktima na magsumite ng kanyang affidavit subalit hindi na ito bumalik pa sa kanyang tanggapan at lumapit na sa iba. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest