^

Bansa

Erap naka-iskor sa Sandiganbayan

-
Naka-iskor na naman sa Sandiganbayan si dating Pangulong Estrada matapos aminin ng isang saksi para sa prosekusyon na pumirma sa pangalang Jose Velarde si Estrada ngunit hindi bilang principal holder kung hindi bilang isang representante.

Inamin din ni Manuel Curato, first VP at hepe ng legal services division ng Equitable-PCI Bank na ng mag-testify ito sa kasagsagan ng impeachment trial ay kasalukuyang nagkakaroon ng malawakang bank run sa nasabing bangko.

Ang pag-amin ni Curato ay naganap sa ilalim ng cross-examination na ginawa ni Prospero Crescini, ang abogadong itinalaga kay Estrada ng korte.

Iginiit ni Crescini na ang pagpirma ni Estrada bilang Jose Velarde sa bahaging "Principal, By:" at hindi sa "Principal" ay nangangahulugan na pumirma lamang ito bilang representante ng tunay na may-ari ng kontrobersyal na bank account.

Inamin din ni Curato noong isang linggo na ang paggamit ng alias o numbered bank account ay hindi iligal at madalas pa ngang gawin ng kanilang mga kliyente upang protektahan ang kanilang sarili.

Una nang inamin ni businessman Jaime Dichaves na siya ang may-ari ng Jose Velarde bank account. Napatunayan ito matapos buksan sa Senado ang kontrobersiyal na second envelope ilang linggo matapos maluklok si Pangulong Arroyo.

Nakapaloob sa nasabing envelope ang mga detalye ng banking transactions at isang liham mula kay Dichaves para sa pamunuan ng EPCI na humihiling na magbukas ng isa pang bank account sa pangalan rin ni Jose Velarde.

Dahil sa ginawang pag-amin ni Curato, sinabi ng kampo ni Estrada na sa wakas ay lumabas din ang katotohanan at mabibigyang linaw ang sinabi nitong bagamat pumirma siya bilang Jose Velarde, hindi siya ang tunay na may-ari ng bank account.

Ayon naman kay Partido ng Masang Pilipino (PMP) spokesman Jesus Crispin Remulla, ang pag-amin ni Curato ay patunay na ang testimonya nito sa impeachment trial ay isang pagtangkang sagipin sa posibleng pagkalugi ang bangko na noo’y namimiligrong magsara.

Base sa impormasyon, dumanas ng sobrang withdrawals ang bangko na nagpabagsak sa kapital nito mula P165 bilyon ay naging P132 bilyon. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BANK

CURATO

INAMIN

JAIME DICHAVES

JESUS CRISPIN REMULLA

JOSE VELARDE

JOY CANTOS

MANUEL CURATO

MASANG PILIPINO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with