Di binabayarang utang ng mga kongresista sa SSS at GSIS nabulgar
April 19, 2002 | 12:00am
Mistulang tinatakasan na umano dahil magpahanggang ngayoy di pa rin binabayaran ng ilang mga kongresista ang malaking pagkakautang ng mga ito sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).
Ito ang ibinunyag kahapon ni House Deputy Speaker for Visayas Raul Gonzales na kabilang sa nakakaalam kung sinu-sino ang mga umanoy manunubang mambabatas bagaman tumanggi siyang tukuyin ang pangalan ng mga ito gayundin kung magkano ang kanilang utang.
Nauna nang isinulong ni Gonzales sa Kamara ang pagkakaroon ng imbestigasyon hinggil sa pagkalkal sa financial statement ng dalawang social service agencies ng gobyerno lalo na ang mga pautang nila. Naniniwala si Gonzales na ang pagkakaloob ng pautang sa ilang malalaking negosyante at bangko ang isa sa dahilan kung bakit lumulubog ang dalawang ahensiya lalot kung hindi nababayaran ito.
Nais din ng solon na malaman kung ano at paaano ang system ng pagpapautang ng SSS at GSIS sa mga non-members nito lalo na sa malakihang loan. Subalit hindi sinasadyang sa pagkalkal sa rekord ng dalawang tanggapan ng talaan ng mga binibigyan nito ng loan ay nakita ang pangalan ng ilang kongresista. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest