Italian priest nasagip na
April 9, 2002 | 12:00am
Matapos ang anim na buwang pagkakabihag, nabawi ng magkasanib na elemento ng militar at pulisya ang Italian priest na si Fr. Guiseppe Pierantoni makaraang matunton ang pinagtataguan rito ng kilabot na Pentagon Kidnap-for-Ransom Gang sa isinagawang operasyon kahapon ng madaling araw sa Zamboanga Sibugay province.
Sinabi ni Task Force Guiseppi Commander Brig. Gen. Angel Atutubo na si Fr. Pierantoni, 44, ay nailigtas dakong alas-2 ng madaling araw matapos itong abandonahin ng grupo ni Nurham Amil alyas Commander Ramsey, lider ng Pentagon.
Ang pagkakaligtas sa pari ay bunga na rin ng masusing interogasyon sa tatlong mga miyembro ng Pentagon na naaresto noong nakaraang Biyernes sa Dimalinao, Zamboanga del Sur.
Ikinanta ng mga ito sa awtoridad ang eksaktong lugar na kinalalagyan ng pari na nagresulta sa matagumpay na operasyon ng mga awtoridad at pagkasagip kay Fr. Pierantoni.
Nabatid na ipinasya ng mga kidnaper na iwan na lamang sa magubat na lugar ng Upper Tungawan sa boundary ng Zamboanga del Sur at Sibugay ang pari at tumakas dahil nararamdaman nilang napapalibutan na sila ng mga awtoridad.
Wala namang naganap na sagupaan sa pagitan ng Pentagon at militar at pulisya.
Magugunita na nag-demand ng P20M ransom ang mga kidnaper kapalit ng pagpapalaya kay Fr. Pierantoni at bagaman sinasabing nagkaroon ng negosasyon ay di pa rin makumpirma kung may naibigay na ransom sa grupo ni Commander Ramsey.
Pero tahasang sinabi ni PNP Chief Director Gen. Leandro Mendoza na wala silang ibinayad na ransom para palayain ng kanyang mga kidnaper si Fr. Pierantoni dahil naninindigan ang pamahalaan sa "no ransom policy."
Ang pagkakaligtas din sa nasabing pari ay patunay na di totoo ang ikinanta ng nahuling commander ng Pentagon na si Faizal Marohombsar na matagal na umano itong patay at nailibing na.
Si Fr. Pierantoni ay apat na beses napaulat na namatay na umano sa kamay ng kanyang mga abductors.
Magugunita na si Commander Marohombsar kasama ang walo pa nitong kasabwat sa kidnaping ay nadakip sa raid sa safehouse ng mga ito sa Muslim Center sa Quiapo, Manila noong nakaraang Pebrero 15.
Ang naturang pari ay kinidnap ng mga tauhan ni Commander Ramsey habang nagmimisa sa Sacred Heart of Our Fathers sa Dimataling, Zamboanga del Sur noong Oktubre 17, 2001.
Ilang larawan ng umanoy miyembro ng Pentagon ang nakuha mula sa nasabing lugar. Ipapakita ang mga ito kay Pierantoni upang kilalanin kung ito ay isa sa mga bumihag sa kanya.
Samantala, agad dinala sa Maynila si Pierantoni at iniharap kahapon ng umaga kay Pangulong Arroyo sa Malacañang. Hiniling ng pari na makausap ang kanyang mga superior priests na nakabase sa Manila.
Nagpaabot naman kahapon ng pasasalamat ang Italian Embassy sa pamahalaang Arroyo. (Ulat nina Joy Cantos/Rose Tamayo/Doris Franche/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended