Rescue sa Burnhams nasilat
April 8, 2002 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Mukhang lumalabo na mailigtas ang nalalabing tatlong bihag ng bandidong grupo na Abu Sayyaf na sina Deborah Yap at mag-asawang Martin at Gracia Burnhams matapos muli umanong nalusutan ang mga militar na humahabol sa mga bandido sa masukal na kagubatan sa Basilan.
Sinabi ni Col. Alexander Alejo, commander ng 103rd Brigade ng Philippine Army, na nakabuntot pa rin ang kanyang mga tauhan na tumutugaygay sa grupo ng Abu Sayyaf.
Matatandaan na nagka-engkuwentro sa isang lugar sa Lantawan ng mga sundalo ang umanoy grupo ni Isnilon Hapilon at Abu Sabaya, na may hawak sa mga nabanggit na hostages noong nakaraan linggo dahil gusto nila umanong ilipat ng ibang isla ang kanilang bihag.
"Our troops have vital leads which they are pursuing," Ani Alejo.
Ayon kay Alejo, mahirap siyang magsalita kung saan nila tutuhugin o gugulatin ang mga bandido dahil baka mabulilyaso ang kanilang operasyon.
"May nakuha kaming mga kagamitan sa aming pakikipagsagupa sa ASG at naniniwala kaming kina Burnhams ito," dugtong ni Alejo.
Sinabi ni Alejo na nagtatlong pangkat umano ang grupo nina Hapilon, Hamsraji Sali at Sabaya para lituhin ang militar sa paghabol sa kanila.
Ayon sa intelligence report, nasa kamay muli umano ni Sabaya ang mag-asawang Kano matapos niya itong ipagkatiwala kay Hapilon noon dahil nagpapagaling ito sa hindi malamang sakit na nakuha niya sa katatakbo habang hinahabol ng militar.
Sinasabing nagtatago si Sabaya sa pagitan ng masukal na kagubatan nang Sumisip at Sampinit area.
Ang grupo ni Hapilon ay nasa Lantawan area. Samantala, si Sali ay nagtatago sa Maluso.
Napag-alaman na gustong makipag-negosasyon ng ASG sa pamahalaan para sa pag-release ng mga hostages.
"Isa lamang itong taktika at tiyak hindi papayag ang gobyerno sa kahilingan ng mga bandido." ani Alejo.(Ulat ni Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended