^

Bansa

Libing ni Rico ala Ninoy

-
"Hindi pa kami nakakita ng ganito karaming nakipaglibing mula pa nang ilibing si yumaong Senador Benigno Aquino."

Ito ang bulalas ng isang caretaker sa Manila Memorial Park kahapon sa libing ng popular na aktor na si Rico Yan.

Ayon kay Lamberto Peña, officer-in-charge ng Manila Memorial Park, ang libing ni Rico ay pang-apat sa dami ng mga taong nakipaglibing sa kasaysayan ng sementeryo.

"Ang libing ni Ninoy Aquino noong 1983 ang may pinakamarami pa ring bilang ng taong dumalo," sabi niya.

Sumunod kay Aquino ay ang libing ng yumaong singer na si Eddie Peregrina. Si Peregrina ay namatay noong May 1977.

Isa pang crowd drawer ang libing naman ni dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta noong Oktubre 2000.

Ilan pa sa mga tanyag na personalidad na inilibing sa naturang sementeryo sina Charito Solis, Alfie Anido, Louie Beltran, Geny Lopez, at Jun Aristorenas.(Ulat nina Danilo Garcia, Doris Franche at Lordeth Bonilla)

ALFIE ANIDO

CHARITO SOLIS

DANILO GARCIA

DORIS FRANCHE

EDDIE PEREGRINA

GENY LOPEZ

JUN ARISTORENAS

LAMBERTO PE

LORDETH BONILLA

LOUIE BELTRAN

MANILA MEMORIAL PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with