^

Bansa

Prosecution duda, sakit sa tuhod ni Erap gumagaling na

-
Nagdududa ang prosecution panel na posibleng gumagaling na umano ang osteoarthritis ni dating Pangulong Estrada kaya nawawala ang unang x-ray na iniharap ng dinismis nitong defense panel sa pagpapatuloy ng pagdinig kahapon sa Sandiganbayan sa mosyon nitong makapagpagamot sa kanyang sakit sa tuhod sa Estados Unidos.

Sinabi ni Ombudsman Aniano Desierto, pinuno ng prosecution team ng pamahalaan na hindi mawawala ang pagdududa na may pagbabago na sa kondisyon ni Estrada kaya hindi maiprisinta ng bagong defense team nito ang resulta ng x-ray nito sa tuhod na unang kinunan sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) noong May 18, 2001.

"They must present that missing x-ray file otherwise there will be doubt that the condition of the former President is indeed improving," pahayag ni Desierto matapos makita ang malaking pagkakaiba ng ipinakitang x-ray sa pagdinig.

Sa kanyang pagharap sa Sandiganbayan Special Division na pinamumunuan ni Presiding Justice Minita Chico-Nazario, sinabi ng witness na si Dra. Dorita Evangelista, Chief Radiologist ng VMMC na nagsagawa ng pag-eeksamin sa x-ray ni Estrada na hindi niya batid kung saan ito napunta matapos na umano’y kunin ito ng pribadong doktor ni Estrada na sina Dr. Lorenzo Jocson at Dr. Ramon Gustillo.

Ayon kay Evangelista nang pansamantalang ilipat umano ng kulungan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna ang dating Pangulo ay hiniram ng family doctor nito ang resulta ng nasabing unang x-ray sa kanyang tuhod at hindi na ito naibalik pa.

Lumitaw na nawala sa ikalawang x-ray na nakunan noong Enero 22, 2002 ang osteoarthritis at ang malinaw na pagkakakita sa pinsala ng tuhod ni Estrada na nakapaloob sa unang x-ray na umano’y nawawala.

Iginiit ni Justice Undersecretary Jose "Joe" Calida, kasapi ng prosekusyon na nagkaroon umano ng pagbabago ang ikalawang x-ray ni Estrada kumpara sa naunang pagsusuri.

Sinabi ni Calida na malaki ang kanyang hinala na sinadyang maiwala ang mismong x-ray film ng naunang pagsusuri para magamit ito sa kahilingan ni Estrada na maoperahan sa sakit nito sa tuhod sa US.

Si Calida ang nagsailalim kay Dra. Evangelista sa cross examination sa Sandiganbayan.

Ipinaliwanag ni Calida na malinaw na nagkaroon ng pagbuti sa kalagayan ng tuhod ni Estrada kung pagbabatayan ang naturang pagsusuri at osteoarthritis na lamang ang lumilitaw na sakit ng napatalsik na lider.

Iginiit ni Calida na kailangang maiprisinta ng depensa ang naturang film sa korte upang patunayan na lumulubha ang sakit sa tuhod ni Estrada.

Kinuwestiyon din ni Calida ang kredibilidad ni Evangelista na magsalita kaugnay ng pangangailangang maoperahan si Estrada sa Amerika dahil isa lamang ang pagiging eksperto nito ay sa larangan ng radiologist at hindi bilang orthopedic surgeon. (Ulat ni Joy Cantos)

CALIDA

CHIEF RADIOLOGIST

DORITA EVANGELISTA

DR. LORENZO JOCSON

DR. RAMON GUSTILLO

DRA

ESTADOS UNIDOS

ESTRADA

EVANGELISTA

RAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with