Pinsan ni Janjalani timbog
April 4, 2002 | 12:00am
Nasakote kahapon ng pinagsanib na puwersa ng Zamboanga City police at mga miyembro ng militar ang pinsan ni Abu Sayyaf Group leader Khadaffy Janjalani.
Si Mohammad Suwaid, 19, residente ng Tabuk, Isabela city, Basilan ay nadakip ng mga awtoridad dakong alas-10 ng umaga sa Brgy. Talon-talon, Zamboanga City.
Inamin ni Suwaid na kasama siya sa mga dumukot sa 40 mga estudyante at mga guro sa Tumahubong Elem. School sa Basilan at sa pinaslang na si Fr. Roel Gallardo ng Claret High School noong Marso 24, 2000.
Inamin din ni Suwaid na tumatanggap siya ng P12,000 sahod kada buwan mula kay Janjalani.
Inihayag din nito sa militar na maraming bilang na ng mga Sayyaf members ang kasalukuyang nasa Zamboanga City.
Ang pagkakatunton sa pinagtataguan ni Suwaid ay inginuso ng mga naunang naarestong Sayyaf members. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended