Palasyo, Kongreso, NAIA 'may bomba'
April 3, 2002 | 12:00am
Inamin ng tagapagsalita ng Indigenous Peoples Federal Army na tinaniman nila ng tig-dalawang bomba ang Palasyo ng Malacañang, Senado at House of Representatives.
Ayon sa nagpakilalang spokesman na si Sedrev, bukod sa naturang mga tanggapan ng pamahalaan, kabilang din sa umanoy tinaniman ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na may apat na bomba at Philippine Stock Exchange na nilagyan ng dalawang bomba ng grupo.
Ipinaliwanag ni Sedrev na ginagawa nila ito bilang pagkondena umano sa maling patakaran na ipinatutupad ng kasalukuyang administrasyon at upang mapansin ng pamahalaan ang kanilang mga karaingan at baguhin na ang lumang sistema.
Hindi rin umano sila magsasawa at mapapagod na magtanim pa ng mga bomba sa mga tanggapan ng gobyerno hanggat hindi tinutugunan ang kanilang mga panawagan.
Tiniyak din ni Sedrev na hindi sila nananakot at mapipilitan silang maghasik ng karahasan kung walang gagawing aksiyon ang pamahalaan sa kanilang pangangailangan.
Pero ayon naman sa PNP, hindi dapat na pansinin ang ganitong uri ng mga pahayag dahil direktang pananakot lang ang nais na ipahiwatig ng grupo.
Sa kabila nito, nagpakalat pa rin ang PNP ng kanilang mga tauhan upang hanapin ang mga lugar na posibleng pinagtaniman ng mga bomba.
Kamakalawa ay inihayag ni Sedrev na umaabot sa 18 bomba ang kanilang itinanim sa ibat ibang tanggapan ng Metro Manila, pero ito ay pinagtawanan lamang ng PNP.
Sa panig naman ni Defense Sec. Angelo Reyes, hindi dapat na ipagwalang-bahala ang sitwasyon maging ito ay totoo o hindi.
Aniya, hindi nila papayagan na maghari ang pananakot ng grupo at sa halip ay hinahamon nila ito na lumantad at personal na ihain kay Pangulong Arroyo ang kanilang karaingan. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest