Kartong ballot boxes tinutulan ng mga guro
March 28, 2002 | 12:00am
Tinutulan ng isang malaking grupo ng mga guro ang balak ng Commission on Elections (Comelec) na maglagay na lamang ng mga kartong ballot boxes sa halip na mga ginagamit na bakal sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Hulyo.
Sinabi ni Carol Almeda, tagapangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na lalo lamang malalagay sa panganib ang buhay ng mga guro na mamahala sa eleksyon sa balaking ito.
Unang inihayag ni Comelec executive director Mamasapunod Aguam ang ideyang gawing karton na lamang ang karagdagang mga ballot boxes upang makatipid sa pondo. Nabatid na kulang ngayon ang Comelec nang may 89,000 na ballot boxes dahil sa pagdaragdag ng mga presinto sa buong bansa.
Iginiit naman ni Almeda na sa kasaysayan ng eleksyon sa bansa, ang barangay elections ang pinakamarahas at pinakadelikado. Mas malaki umano ang posibilidad na mapalitan ang mga ballot boxes dahil sa mas madaling gayahin at maaari ring mawasak dahil sa karupukan nito.
Kapag naganap ang mga naturang senaryo, maaaring maipit at malagay sa alanganin ang mga guro na nagpapakasakit sa pagbabantay.
Tinuligsa rin ni Almeda ang nagaganap na bangayan sa hanay ng mga opisyal ng Comelec kung saan kaya nagkaroon ng malaking problema sa mga ballot boxes ay ang patuloy na hindi pa rin pagpapatupad ng computerization sa eleksyon.
Nagbabala si Almeda na maaaring magtungo sa kalye ang mga miyembro ng ACT at iba pang kapanalig nito kapag iginiit ng Comelec ang kanilang mga balak. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest