61% aprub quad comm probe sa EJK, illegal drugs, POGOs
MANILA, Philippines — Umaabot sa 61 percent ng mga Pinoy ang pabor sa ginagawang pagbusisi ng House Quad Committee tungkol sa extrajudicial killings, illegal drugs gayundin sa Philippine offshore gaming operators (POGOs) batay sa Pulse Asia survey na kinomisyon ng consultancy firm Stratbase.
Ang Quad Committee ay kinabibilangan ng mga komite tulad ng Committee on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, and Public Accounts na nagsagawa ng pag-imbestiga sa mga usapin tungkol sa nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang survey ay ginawa noong November 26 ,2024 hanggang December 3, 2024 at lumabas na 61% ay suportado ang pag-imbestiga ng Quad Comm habang nasa 24% ay undecided habang nasa 11% ay hindi pabor.
Mula sa National Capital Region ang may pinakamaraming respondent (73%), Balance Luzon (66%), Visayas (59%) at Mindanao (46%) samantala 30% ang undecided.
Lumabas din sa survey na nasa 37% ay umaasa na sa pamamagitan ng imbestigasyon ng Quad Comm ay mapaparusahan ang mga opisyal ng gobyerno na responsable sa EJKs, illicit POGO operations at illegal drugs.
- Latest