Ogami nakatakas na ng RP; HDO nawalan ng silbi
March 28, 2002 | 12:00am
Nawalan nang silbi ang ipinalabas na Hold Departure Order kamakalawa ng Department of Justice matapos na makatakas palabas ng bansa ang Japanese businessman na si Genta Ogami, isang araw matapos ang HDO laban sa kanya.
Nabatid mula sa isang mapagkakatiwalaang impormante, nakalusot si Ogami palabas ng Pilipinas, itoy dahil na rin umano sa hindi agad nasampahan ng kaukulang kaso sa mababang hukuman ang naturang negosyante.
Si Ogami, kasama ang Hapon at pitong negosyanteng Pinoy ay hindi pinayagang makalabas ng bansa bunsod ng kasong kriminal na isinampa ng Bangko Sentral ng Pilipinas laban sa Unitrust Development Bank (UDB) dahil sa pagdedeklara ng bank holiday noong Nobyembre 2001 at kawalan ng abilidad na bayaran ang mga depositors at creditors nito.
Napag-alaman na P63.5M lamang ang liquid assets ng UDB habang ang utang ay umaabot nang P284.9M. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest