^

Bansa

Tuition fee increase dapat isapubliko - Oreta

-
Kinastigo kahapon ni Senator Tessie Aguino-Oreta ang Commission on Higher Education dahil sa pagtanggi umano nito na isapubuliko ang listahan ng mga paaralang magtataas ng tuition fees ngayon taon.

Sinabi ni Oreta, kinakailangan agad na isapubliko ng CHED ang nasabing listahan upang sa gayon ay magkakaroon ng pagkakataong lumipat ng paaralan ang mga estudyanteng kapos sa salapi sa darating na pasukan.

Ayon kay Oreta, kung hindi agad ilalabas ng CHED ang listahan ng mga eskuwelahan magtataas ng tuition fees ay lalong lolobo ang drop-out rate ng mga mag-aaral sa bansa dahil marami sa kanila ang mapipilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa kawalan o kakapusan ng salapi sa halip na magkaroon ng pagkakatong piliin ang paaralang kakayanin ng kanilang bulsa.

Reaksyon ito ni Oreta, matapos na idahilan umano ng CHED na hindi pa nila mailalabas ang listahan dahil hindi pa kumpleto ang talaan ng mga paaralang magtataas ng tuition fees. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

HIGHER EDUCATION

KINASTIGO

ORETA

REAKSYON

RUDY ANDAL

SENATOR TESSIE AGUINO-ORETA

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with