Sinabi ng Pangulo na dragging at kung minsan ay mababaw ang mga tanong sa kanyang programa at halos nagiging pangit ang takbo nito kung ang mga tanong ay malayo anya sa isyung nais niyang marating.
Sinabi ng Pangulo na mayroon namang paraan ng pakikipag-ugnayan sa publiko at hindi lamang sa pamamagitan ng programa sa TV at radio.
Inihalimbawa ng Pangulo na mas mahirap isagawa ang nasabing programa sa teebisyon dahil kailangan niyang gumising ng maaga at dalhin ang mga crew at panauhin sa mga malalayong lugar. (Ulat ni Ely Saludar)