^

Bansa

'Terms of Reference' ng Balikatan lalagdaan na

-
Plantsado at nakatakda ng lagdaan sa loob ng linggong ito ang "Terms of Reference" ng RP-US joint military exercises o Balikatan,ito ang inihayaga kahapon ni Vice President at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona.

Ayon kay Guingona, naging matagumpay at substantial umano ang isinagawang telephone conference kahapon ng alas-8 ng umaga na ginawa sa kanyang residente sa pagitan niya at ni US Assistant Secretary for Asia Pacific James Kelly.

"Everything is okay... it (TOR) will be signed in a day or two"pahayag pa ni Guingona.

Napagkasunduan umano ng dalawang panig na ipapairal ang tinatawag na chain of command kung saan ang lahat ng utos ay ay manggaling lamang kina AFP Chief of Staff Diomedio Villanueva at sa panig naman ng US ay sa katauhan ni Gen. Donald Wurstar.

Nanawagan naman ang mga mambabatas sa Kongreso na isiwalat sa publiko ang nilalaman ng TOR na gagamitin sa Balikatan 02-1.

Karapatan umano ng mamamayan na malaman kung hanggang saan ang hangganan ng Balikatan dahil hindi lamang ang mga mamamayan ng Mindanao ang malalagay sa alanganin kundi ang buong bansa kapag may nangyaring insidente. (Ulat nina Rose Tamayo/Malou Rongalerios-Escudero)

ASIA PACIFIC JAMES KELLY

ASSISTANT SECRETARY

BALIKATAN

CHIEF OF STAFF DIOMEDIO VILLANUEVA

DONALD WURSTAR

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY TEOFISTO GUINGONA

GUINGONA

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

ROSE TAMAYO

TERMS OF REFERENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with