'Hindi na-snub ni Bush ang RP'
February 12, 2002 | 12:00am
Tinutulan ng Malacañang ang obserbasyon na inisnab ni US President George Bush ang Pilipinas kaya nawalan ito ng panahon para dumaan kahit saglit habang patungo siya sa pagbisita sa China, Japan at South Korea sa Pebrero 17 hanggang 22.
Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, talagang apurahan lang ang lakad ni Bush at nagpaliwanag naman si US Secretary Colin Powell ukol dito.
Sinabi rin ni Tiglao na malamang na ang pakay ni Bush sa kanyang Asian visit ay may kinalaman sa ekonomiya at hindi pang-seguridad.
Hindi rin umano totoo na kaya lalampasan ni Bush ang Pilipinas ay dahil sa problema sa grupong Abu Sayyaf. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest