Sa isinagawang pagdinig ng committee on finance ng CA na pinamumunuan ni Sen. Ralph Recto, nakakuha si Camacho ng 14 botong pabor sa kanyang kumpirmasyon, isang botong hindi pabor mula kay Sen. Tessie Aquino-Oreta at isang botong abstain kay Sen. Blas Ople.
Nabalam ang pagdedesisyon ng CA ukol sa nominasyon ni Camacho matapos batuhin ng sunud-sunod na katanungan ni Sen. Oreta ang kalihim partikular sa pagkakasangkot nito sa kontrobersiyal na P35 bilyon PEACe bonds na napagwagian ng Code-NGO na pinamumunuan ng kapatid nitong si Ma. Socorro Camacho-Reyes.
Kinondena naman ng oposisyon sa Senado ang ginawang "pagmamadali" sa kumpirmasyon ni Camacho. Takda umano nilang harangin sa sandaling isalang sa Plenary bukas ang kumpirmasyon ng kalihim. (Ulat ni Rudy Andal)