Malaysian terrorist timbog sa NAIA
February 9, 2002 | 12:00am
Ginigisa ng mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-ASG) ang isang hinihinalang Malaysian terrorist matapos itong makuhanan ng 104 passport na itinago sa kanyang handcarried bag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PNP-ASG director Marcelo Ele Jr., ang suspek na si Azmi Bin Salleh, sinasabing travel agent at nakatira sa Jalan Masjid Abian, K. Terengganu, Kuala Lumpur, Malaysia.
Nakuha sa suspek ang kanyang cellphone na may icon na mapa ng Afghanistan at mukha ni Osama bin Laden.
Sa isinagawang imbestigasyon, sumasailalim sa X-ray machine ang bagahe ni Salleh ng mapansin ng isang Mr. Cabrera, X-ray operator, ang kakaibang bagay sa loob ng bag ng suspek.
Nang tanungin kung ano ang laman ng bag ay hindi sumagot si Salleh kaya ipinagbigay-alam ni Cabrera kay PO2 Ivy Galang ang kanyang nakita sa X-ray.
Sa harapan ni Salleh, binuksan ang bagahe at tumambad ang itim na shoulder bag na may tatak na Asas Travel & Tours Co., Ltd.
Sa loob ng nasabing bag ay nakapaloob pa ang isang puting travelling bag na may Thai Airways logo at nang buksan ay dito natagpuan ang 104 pirasong Malaysian passports at US$57,000.
Samantala, nilinaw kahapon ng Malaysian Embassy sa Manila na isang "fixer" ang nahuling si Salleh at walang kinalaman o koneksiyon kay bin Laden.
"Its not true that he has links to Osama. Hes trying to get visas for Malaysian to go to Hajj in Saudi," pahayag ni Malaysian Ambassador Mohamad Taufik.
Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Taufik na mariing ipinagbabawal sa kanilang batas at ng Pilipinas ang pagdadala ng pasaporte ng ibang tao.
Ayon naman sa DFA, nilabag ni Salleh ang Custom Law sa pagdadala nito ng lubhang napakalaking halaga gayong bawat banyaga ay pinapayagan lamang umanong magdala ng hanggang $10,000 halaga. (Ulat nina Butch Quejada at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest