^

Bansa

Bilang ng prosti tumaas sa pagdagsa ng US troops

-
Nagpahayag ng pagkondena kahapon ang militanteng grupong Gabriela hinggil sa patuloy na pagtaas ng mga prostitutes sa bansa.

Ang hakbang ay ginawa ng Gabriela nang malaman na padami ng padami ang bilang ng prosting mga Pinay sa Zamboanga, ang lugar na kinaroroonan ng tropang Kano na kasama sa Balikatan exercises.

Binigyang diin ng Gabriela na dapat nang maihinto ang pananatili sa bansa ng tropang Kano dahil hindi lamang kalikasan ang maaapektuhan sa gagawin ng mga itong opensiba laban sa terorismo kundi ang mga kababaihan sa bansa.

Dahil sa hirap ng buhay, nahihimok ang mga kababaihan sa bansa na maging prosti dahil sa kikitain dito dahil walang maibigay sa kanilang hanapbuhay ang pamahalaan.

Sinasamantala umano ng maraming prosti na kumita ng madaling pera ngayong panahong nasa bansa ang maraming bilang ng tropang Kano na kaisa sa Balikatan exercises. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BALIKATAN

BINIGYANG

CRUZ

DAHIL

GABRIELA

KANO

NAGPAHAYAG

PINAY

SINASAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with