^

Bansa

RP inalerto sa 5 terorista ng Al-Qaeda

-
Inalerto kahapon ng US State Department ang Philippine Immigration authorities laban sa pagpasok sa bansa ng limang suspected Al-Qaeda members na pinaniwalaang sangkot sa Sept. 11 terrorist attacks sa Estados Unidos.

Kinilala ang lima na sina Abd-Rahim, Muhammad Sa’id Ali Hasan, Khalid Ibn Muhammad Al-Juhani, Ramszi Binalshhibh at isang Middle Eastern national na hindi nakuha ang pangalan.

Nagpalabas rin ang Federal Bureau of Investigation (FBI) ng litrato ng limang wanted terrorists kalakip ang request na agad isailalim sa custody ang mga ito sa sandaling dumating sa bansa.

Bilang pagtalima ay agad namang iniutos ni BI Commissioner Andrea Domingo ang pagpapaskil ng mga litrato sa bawat immigration counter sa Ninoy Aquino International Airport at sa limang iba pang international ports of entry. (Ulat ni Butch Quejada)

ALI HASAN

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

ESTADOS UNIDOS

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

KHALID IBN MUHAMMAD AL-JUHANI

MIDDLE EASTERN

MUHAMMAD SA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE IMMIGRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with