^

Bansa

Dollar remittances ng OFWs, tumaas

-
Tumaas ang dollar remittances ng mga overseas Filipino workers sa taong ito base na rin umano sa lumalabas na indikasyong pagtaas naman ng bilang ng mga Pinoy na lumalabas at nakatakdang lumabas ng bansa upang mamasukan sa iba’t ibang panig ng mundo, ayon kahapon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Wilhelm Soriano.

Ayon kay Soriano, sa taong ito ay aabot sa 1 milyong bilang ng mga OFWs ang namasukan sa iba’t ibang bansa sanhi upang lalo pang tataas ang dollar remittances ng tinaguriang mga bagong bayani.

Anya, naging isang malaking tulong sa pagbuti ng ekonomiya hindi lamang ng Pilipinas ang pagpanumbalik ng kumpiyansa ng mga OFWs na bumalik sa mga bansang dati nilang pinaglilingkuran, partikular na sa bandang Gitnang Silangan na naapektuhan sa Sept. 11 US bombings.

Base na rin umano sa rekord ng OWWA ay umaabot sa $5 bilyon ang naipapadalang dolyares ng mga OFWs kada taon sa bansa sanhi upang lalong gumanda at maging matatag ang daloy ng ekonomiya ng Pilipinas.

Samantala, muling inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang malaking pagkakataon umano sa lahat ng mga Filipino engineers, contractors at mga contract workers ang magkaroon ng trabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Vice President at DFA Secretary Teofisto Guingona, nakatakdang magpadala ng mga OFWs ang pamahalaan na may kaalaman sa larangan ng konstruksyon sa Afghanistan para sa gagawing rehabilitasyon ng nasabing bansa.

Anya, karagdagang trabaho at kita umano ito para sa mga kababayan nating nagnanais na mamasukan sa ibang bansa. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANYA

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GITNANG SILANGAN

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PILIPINAS

ROSE TAMAYO

SECRETARY TEOFISTO GUINGONA

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with