^

Bansa

Lider ng EDSA 4 nagtatago

-
Nagtatago at hindi na umano matagpuan ang isa sa mga itinuturong lider ng EDSA 4 na si Ronald Lumbao, pangulo ng People’s Movement Against Poverty (PMAP), isang bagong binuong organisasyon na may misyong patalsikin sa kapangyarihan ang administrasyon ni Pangulong Arroyo.

Ito’y matapos na maging pursigido na ang PNP na dakpin ito sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Manila Judge Teresa Soriano ng NCR-Judicial Region branch 27 kaugnay ng kasong rebelyon noong May 1 siege matapos na lusubin ng mga loyalista ni dating Pangulong Estrada ang Palasyo ng Malacañang sa bigong "power grab."

Sinabi ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group chief, P/Director Nestorio Gualberto na pabalik-balik na ang kanilang mga tauhan sa bahay nito sa Quezon City at Sta. Ana, Maynila pero hindi nila ito matagpuan.

Ayon kay Gualberto, kung totoong nagtatago si Lumbao ay dapat itong lumantad at sumuko sa batas sa lalong madaling panahon. Nag-alok rin si Gualberto na kung nais ni Lumbao ay siya na mismo ang susundo at huhuli rito.

Tiniyak ni Gualberto ang kaligtasan ni Lumbao sakaling maaresto ito at nakahanda na ang standby-team ng PNP para sa kanyang seguridad. Umaasa ang PNP na bago sumapit ang Enero 16 ay mahuhuli si Lumbao.

Ipinalalagay naman ng kampo ni Lumbao na kaya darakpin ito ay sa takot ng administrasyong Arroyo sa binabalak ng kanilang grupong paglulunsad ng EDSA 4.

Pinuna ng grupo na matapos ang ilang buwang pananahimik ng PNP sa kaso ni Lumbao at ngayong lumilitaw ang EDSA 4 ay saka lamang ito darakpin.

Sa isa namang radio interview, tinawanan lamang ni Lumbao ang balitang nagtatago siya. Nakahanda umano siyang harapin ang mga ikinakaso laban sa kanya sa tamang pagkakataon. (Ulat ni Joy Cantos)

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR NESTORIO GUALBERTO

GUALBERTO

JOY CANTOS

JUDICIAL REGION

LUMBAO

MANILA JUDGE TERESA SORIANO

MOVEMENT AGAINST POVERTY

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with