Suspensiyon ng toll fee hike sa North, Luzon Expressways pinalawig, ginawang 2 buwan
January 15, 2002 | 12:00am
Magandang balita sa mga motoristang dumaran sa North at South Luzon Expressways!
Kinatigan ng Philippine National Construction Company (PNCC) at Toll Regulatory Board (TRB) ang pagpapalawig pa ng suspensiyon sa taas ng singil sa toll fee sa dalawang expressway mula sa isang linggo, sa dalawang buwan, alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Arroyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, pumayag ang TRB na magsagawa muna ng public hearing sa toll fee hike at ipapalabas ang desisyon sa loob ng 60 araw.
Ayon kay Tiglao, inatasan din ng Pangulo ang PNCC na kung hindi maiiwasan ang pagtataas ng singil sa toll fee, gawin itong unti-unti at hindi biglaan o kayay humanap ng bagong paraan ng pagtataas ng toll fee. Bilang halimbawa, sinabi ni Tiglao na magkaroon ng magkakaibang singil sa toll fee sa panahon ng rush hour at patay na oras.
Inatasan din ng Pangulo ang PNCC na mag-isip ng ibang pamamaraan ng pagkakaroon ng dagdag na kita bukod sa pagtataas sa toll fee tulad ng pagbubukas ng istasyon ng gasolinahan at restaurant sa kahabaan ng expressway.
Ang mga apektado ng suspensiyon ng toll fee ay ang North Expressway na sumasaklaw mula sa Balintawak hanggang Sta. Ines at ang Alabang patungong Calamba sa panig ng South Expressway. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest