^

Bansa

2 convicted, 19 lusot sa Lenny Villa slay

-
Dalawang akusado sa pagkamatay ng Aquila Legis frat member na si Leonardo "Lenny" Villa ang pinatawan ng 17-taong pagkabilanggo, habang 19 naman ang pinawalang-sala kahapon ng Court of Appeals (CA) dahil sa kasong homicide.

Sa 23-pahinang desisyon ng CA, pinatawan ng 17-taong pagkakulong dahil sa pagbibigay ng matitinding initiation sa biktima sina Fidelito Dizon at Artemio Villareal. Pinagbabayad din ang dalawa ng CA ng halagang P1 milyon at P50,000 bilang moral damages.

Samantala, ang mga akusadong sina Vincent Tecson; Junel Anthony Ama; Antonio Mariano Almeda at Renato Bantug Jr. ay pinarusahang mabilanggo ng 20-araw sa kasong slight physical injuries at pinagbabayad ng halagang P30,000 bilang danyos.

Batay sa rekord ng korte, ang insidente ay naganap noong February 1991 kung saan si Villa at mga kasamahang estudyante na sina Caesar Asuncion; Samuel Belleza; Bienvenido Marquez III; Roberto Navera; Geronimo Randy Recinto at Felix Sy, Jr. ay sumali sa hazing na isinagawa ng Aquila Legis Fraternity sa Almeda compound sa Caloocan City.

Ipinaliwanag ng CA na hindi dapat namatay si Villa kung hindi iginiit nina Dizon at Villareal na isailalim sa matinding initation rites ang mga biktima, partikular si Villa sa kabila ng pagpapahinto ni Nelson Victorino, ang head ng initiation rites ng nasabing grupo.

Bunga nito, ipinagharap ng kasong homicide ang 35-miyembro ng nasabing fraternity subalit 25 lamang dito ang naisailalim sa paglilitis ng Caloocan City Regional Trial Court sa sala ni Judge Adoracion Angeles. (Ulat ni Grace Amargo)

ANTONIO MARIANO ALMEDA

AQUILA LEGIS

AQUILA LEGIS FRATERNITY

ARTEMIO VILLAREAL

BIENVENIDO MARQUEZ

CAESAR ASUNCION

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

COURT OF APPEALS

FELIX SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with