Marcelo nasa bansa pa - BI
January 7, 2002 | 12:00am
Tiniyak kahapon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Andrea Domingo na hindi makakapuslit palabas ng bansa ang controversial businessman na si Pacifico Marcelo at iba pang foreigners na may nakabinbin na kaso sa Pilipinas .
Naglunsad ng isang manhunt operations ang immigration para hanapin si Marcelo matapos mapagalaman na illegal alien ito at isnabin ang imbitasyon ng bureau na magpakita ito ng mga dokumento para pasinungalingan na hindi siya US citizen .
Samantala, sinabi ni Tom Natividad, BI Senior Intelligence officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) maliban anya kay Marcelo binabantayan nila ang grupo nina Zhang Du, Znag Xiwang, Xu You Kawang, Shi Jian Hui, Wu Lim, Lim Jiang Fem at Shi Cun Qi ang mga ito ay sinasabing kumidnap kay Jacky Rowena Tiu, isang Filipino-Chinese .
Ayon kay Domingo ang mga nasabing Intsik ay hindi pinayagan makalabas ng Pilipinas sa kahilingan nina Department of Local Government (DILG) Secretary Joey Lina at Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza .
Napag-alaman na ang watchlist order ay ipinalabas sa mga nabanggit na intsik matapos umanong hilingin ng Peoples Republic of China sa pamahalaan na palayain ang ilan sa mga ito . (Ulat ni Butch M. Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended