593 sugatan sa Bagong Taon
January 2, 2002 | 12:00am
Limandaan at siyamnaput tatlo ang mga naging biktima ng paputok at indiscriminate firing sa buong bansa na bumaba ng halos mahigit sa kalahati kumpara noong 2001 sa nakalipas na pagsalubong sa Bagong Taon.
Ito ang ipinalabas na assessment kahapon ng tanggapan ng Philippine National Police (PNP) kasabay ng pagsasabing nairaos ng maayos ang pagsalubong sa taong 2002.
Batay sa report na nakalap sa tanggapan ni PNP Chief, Director General Leandro Mendoza, bukod sa nasabing bilang ng mga casualties ay naitala rin ang 18 insidenteng sunog sa buong Metro Manila.
Ayon sa report ni Police Director Ricardo De Leon, PNP Director for Operations kay General Mendoza, nabatid na 453 ang kabuuang bilang ng nasugatang biktima dahil sa paggamit ng firecracker, 22 naman ang nabiktima ng ligaw na bala at 11 sa indiscriminate firing.
Sa kabuuang 486 katao na nasugatan sa nangyaring pagsalubong sa Bagong Taon ay idinagdag dito ang 107 bilang ng indibidwal na nasugatan naman dahil din sa paputok at ligaw na bala nitong nakaraang Bagong Taon kung kaya umakyat ang bilang sa kabuuang 593.
Ang nasabing bilang ay sumasakop simula noong bisperas ng Bagong Taon hanggang alas-7 ng umaga kahapon.
Ang mga biktima ay nilalapatan ng lunas sa ibat ibang pagamutan sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ipinagmalaki ni Mendoza na mas mababa umano ang bilang ng mga casualties ngayong taon kumpara noong nakaraang taon kung saan 1,500 katao ang napuruhan sa paggamit ng paputok at baril. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest