Aide ni bin Laden tiklo sa Bataan
December 29, 2001 | 12:00am
Isang Jordanian national na hinihinalang tauhan ng international terrorist na si Osama bin Laden at miyembro ng al-Qaeda network ang naaresto ng mga awtoridad at nasamsaman ng 281 piraso ng mga dinamita at mga gamit sa paggawa ng bomba sa isinagawang paghahalughog sa bahay nito sa Balanga City, Bataan kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Hadi Yousef Alghoul na nadakip sa Pabunan Apartment, Barcarse subdivision, Kapihan 3 Brgy. Cupang Norte, Balanga City. Dakong alas-10 ng gabi nang arestuhin ito sa bisa ng search warrant matapos ang masusing surveillance makaraang makatanggap ng intelligence report hinggil sa pag-iingat nito ng mga eksplosibo.
Kabilang sa mga nasamsam sa dayuhang suspek ay isang bag na naglalaman ng 181 sticks ng emulite explosives dynamite, isa pang bag na naglalaman ng 100 sticks ng emulite dynamite, mga Arabic-language documents, kabilang ang mga tula hinggil sa "jihad" o holy war laban sa America.
Nakakumpiska rin ng wiring, isang drycell battery at tatlong cellphones na hinihinalang gagamitin sa pag-assemble ng bomba.
Nabatid pa na ang suspek ay may limang taon nang naninirahan sa bansa at kasal sa isang Filipina.
Sinisiyasat pa ng pulisya ang kaugnayan ng mga explosives sa teroristang grupo, partikular sa al-Qaeda network ni bin Laden. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended