^

Bansa

Tamang paraan ng paggamit ng paputok ipinalabas ng PNP

-
Upang makaiwas sa posibleng disgrasya, nagpalabas kahapon ang Philippine National Police-Firearms and Explosives Division (PNP-FED) ng mga tamang paraan sa paggamit ng mga legal na paputok sa pagsalubong sa taong 2002.

Kasabay nito, binuo ng PNP-FED Chief, P/Sr. Supt. Ernesto Belen ang isang "special task force" na may misyong matyagan ang sinumang nagbebenta ng mga paputok na itinuturing na ilegal at mapanganib gamitin.

"We have prepared guidelines so that the public would know in handling explosive materials like firecrackers and other forms of fireworks," ani Belen sa panayam ng PNP reporters hinggil sa isinasagawa nilang mga paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi ni Belen, totoong hindi nila mapipigilan ang publiko na gumamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon, ngunit malaking bagay umano na mapuno ang kaalaman ng mga ito sa tamang paraan ng paggamit ng mga itinuturing na legal na paputok. Ito’y upang mailayo sa anumang sakuna o disgrasya ang publiko at mga ari-arian ng mga ito.

Nakasaad sa mga panuntunan ng paggamit ng mga paputok ang sumusunod:

1. Huwag hawakan ang paputok habang ito ay nakasindi. Gumamit ng mahabang "stick" bilang pansindi.

2. Hindi dapat pagsabay-sabayin ang pagsisindi ng mga paputok. Isa-isa lang. Huwag pag-imbentuhan ang paputok o paghalu-haluin ang laman nito.

3. Huwag mamulot ng mga hindi sumabog, ngunit nasindihan nang paputok para muling silaban ito, gayundin ang pagpapaputok nito sa mga lalagyan na maaaring sumabog at magbunga ng mga pagtalsik ng matatalas na bagay.

4. Huwag masyadong itagilid ang anumang pyrotechnic device gaya ng "fountains at crying cows", sa pagsindi nito. Iwasan ang maglasing kung magsisindi ng mga paputok.

5. Huwag magsindi ng paputok sa loob ng bahay o kaya ay magsilab nito malapit sa anumang madaling masunog na bagay.

6. Huwag hayaan ang maliliit na bata na humawak ng anumang "fireworks".

7. Huwag ihagis ang mga paputok sa lugar kung saan may mga tao o kaya ay dinadaanan ng mga sasakyan.

8. Huwag gumamit ng "kalburo" o anumang sumisilab na likido sa pagpapasabog ng laruang kanyon.

9. Iwasan din ang pagsisindi ng "kwitis", "trompillo" at iba pang kauring fireworks, lalo sa mga malapit sa kawad ng kuryente, upang maiwasan ang sakuna ng sunog o pagkakuryente.

10. At sa matitirang mga hindi sumabog na paputok, basain ito ng tubig saka walisin at pagsama-samahin sa isang lalagyan bago sunugin sa isang ligtas na lugar.

Kabilang naman sa mga paputok na pinayagang ibenta ay ang tinaguriang Bawang, Baby Rocket, Small Triangle, Judas Belt, Pilled Firecrackers, Sparklers, Luces, Jumbo regular/special, Roman Candle, Trompillo, Whistle Bomb, Sky Rocket o Kwitis at Watusi.

Mahigpit namang ipinagbabawal ang paggamit ng mga mapanganib na paputok tulad ng Big Triangle, Super Lolo at katapat nitong Mother Rockets, Five Star, Og, Pla-pla, Pillbox at mga firecrackers na walang tatak ng gumawa nito.(Ulat ni Joy Cantos)

BABY ROCKET

BAGONG TAON

BELEN

BIG TRIANGLE

ERNESTO BELEN

FIVE STAR

HUWAG

PAPUTOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with