Public utility law, inihain sa Kongreso
December 25, 2001 | 12:00am
Upang masiguro na magkakaroon kaagad ng kabayaran ang sinumang tao na magiging biktima ng aksidente, mula sa isang gusali o sasakyan, ipinanukala ni Cebu Rep. Nerissa Soon-Ruiz ang pagkakaroon ng batas ukol dito.
Sa House Bill No. 4088 o Public Liability Insurance Act of 2001 na inihain ni Ruiz, sinabi nito na kalimitang sinisisi ng mga may-ari ng establisimiyento ang Diyos tuwing magkakaroon ng sakuna upang makaiwas sa responsibilidad.
Kabilang sa mga inihalimbawa ni Ruiz sa kanyang panukala ang Manor Hotel disaster sa Quezon City; Cherry Hills Subdivision disaster sa Antipolo; ang pag-collapse ng Villa San Pedro sa Cebu City; ang paglubog ng MV Princess of the Orient, MV Doña Paz, MV Doña Marilyn; ang pagbagsak ng Pacific Airlines flight 357 at Air Philippines sa Samal Island at ang pagkasunog ng Ozone Disco.
Kalimitan umano, mas madaling naaayos o nababayaran ng isang kompanya kung isa o dalawang tao lamang ang nasasangkot sa sakuna, subalit kung maramihan na, ito ay kalimitang tinatakbuhan.
Ipinanukala ni Ruiz na dapat atasan ng gobyerno ang lahat ng mga may-ari at operators ng mga business establishments, public utilities and services, buildings at machinery na magkaroon ng mandatory public liability insurance upang magbayad sa mga damages o sakuna sa kanilang operasyon.
Sasagutin ng insurance policy ang pagkamatay o pagkasugat ng isang biktima at kailangang hindi bumaba sa P50,000 ang matatanggap nito.
Ang liability insurance coverage naman ng isang property ay ibabatay sa idineklarang insurable interest ng may-ari subalit hindi kailangang lumampas sa totoong halaga ng property. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended